Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Department of National Defense sa Korte suprema ang pagbibigay ng komento kaugnay sa mga isyung may kinalaman kay Sen Antonio Trillianes.
Ito ay matapos na makatanggap ng report ang DND na naghain na ng petition for Certiorari, Prohibition and Injunction with a prayer para makapaglabas ng Temporary Restraining Order.
Sa official statement ng DND nakasaad na nirerespeto nila ang judicial process at ipinauubaya na nila sa korte ang mga isyu.
Sa naturang petisyon, kinuwestiyon ni Trillanes ang legalidad ng pagpapaaresto sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte batay sa proclamation 572.
Facebook Comments