THANKFUL | Stephen Curry, pinasalamatan ang kaniyang mga Pinoy fans

35

Muling pinasaya ni two-time league MVP at three-time NBA champion Stephen Curry ang kaniyang mga Pinoy fans.

Nasa Maynila kasi ngayon ang superstar ng defending champion Golden State Warriors.

Sa kaniyang presscon kanina, nagpasalamat si Curry sa lahat ng mga die-hard Warriors fan sa kanilang suporta at pagmamahal sa koponan.

Nangako rin ito na asahan nila na gagawin lahat ng Golden State ang makakaya para muling magkampeon sa NBA.

Inaasahan na manonood ng opening day ng UAAP Season ‘81 si Curry sa MOA Arena bukas bago ito umalis ng bansa.

Nasa Pilipinas si Curry bilang bahagi ng three-city tour nito sa Asya.

Facebook Comments