IPINAGMALAKI | Crime rate sa Metro Manila, bumaba – NCRPO

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang insidente ng krimen sa Metro Manila.

Sa datos ng NCRPO, ang criminatility rate mula Enero hanggang Setyembre 2018 ay bumaba sa 22%.

Patuloy ding papaigitingin ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa iligal na droga.


Simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, aabot na sa 55,000 na personalidad na sangkot sa iligal na droga ang naaresto.

Tiniyak ng NCRPO na hindi titigil ang pulisya hanggang sa tuluyang masugpo ang droga at kriminalidad sa bansa.

Facebook Comments