IPINAGMALAKI | NCRPO Regional Director Camilo Cascolan, ibinida ang 7 mga aktibidad sa Metro Manila

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni NCRPO Regional Director Camilo Cascolan na walang nangyayaring malalaking krimen sa pitong malalaking aktibidad sa Metro Manila kung saan ang pinakahuli ay ang nakaraang SK at Barangay Election.

Sa ginanap na forum sa NANKA sa QC sinabi ni Director Cascolan, sa unang buwan ng kanyang pamamalakad ay tinututukan na nito ang pitong mga malalaking aktibidad kabilang ang ASEAN Development Activities, Labor Day at Walk for Poverty, SK at Barangay Election kung saan marami na siyang napatanggal kabilang ang 2 pulis na nadissmiss at 26 suspinde dahil sa ipinatutupad nilang dicipline with dignity.

Paliwanag ni Cascolan noong nakaraang linggo 231 crimes simula May 14 hanggang May 20 ang pinakamababang nangyaring krimen sa buong Metro Manila.


Tinitiyak ng opisyal sa publiko na ligtas sila taliwas sa pangamba ng VACC na sunod sunod na mayroong nangyayaring patayan na lubhang pinangangambahan ng publiko.

Aminado si Cascolan na sa pangalawang tour of duty nito sa Metro Manila ang NCRPO ang pinakamahirap na kanyang hinahawakang posisyon dahil dito sa Metro Manila umano ang madalas mayroong nangyayaring krimen.

Facebook Comments