IPINAGTANGGOL | Dating Speaker Belmonte, dinepensahan si Speaker GMA

Manila, Philippines – Dinepensahan ni dating House Speaker at ngayon ay Quezon City Representative Feliciano Belmonte si House Speaker Gloria Arroyo matapos ang ginawang pagtutol ni Liberal Party President at Senator Kiko Pangilinan sa pagkakatalaga kay Pangasinan Representative Baby Arenas bilang caretaker ng Batanes.

Si Belmonte na LP Vice Chairman ang unang itinalagang caretaker ng Batanes, isang linggo matapos masawi si dating Batanes Representative Henedina Abad pero bago mag-Undas break ang Kamara ay inanunsyo ni GMA na si Deputy Speaker Arenas na ang magiging caretaker sa lugar.

Taliwas sa iginigiit ni Pangilinan na dapat ay nirerespeto ni GMA ang desisyon ng political party sa pagkakatalaga kay Belmonte bilang caretaker ng Batanes, sinagot naman ni Belmonte na ‘prerogative’ ng Speaker kung sino ang itatalagang caretaker.


Paliwanag ni Belmonte, tungkulin ito ng Speaker upang matiyak na tuluy-tuloy na matutugunan ang pangangailangan ng mga constituents.

Aniya, ang bahagi lamang ng tradisyon noong siya pa ay Speaker ay ang pagtatalaga ng Deputy Speaker na nakakasakop sa lugar kung hindi na ito kayang gawin ng mismong Speaker.

Wala din aniyang mali sa pagpalit sa kanya ni Deputy Speaker Arenas bilang caretaker ng Batanes dahil sakop naman talaga nito ang Northern Luzon.

Dahil dito, sinabi ni Belmonte na hindi patas na akusahan ng vindictiveness at partisanship si Arroyo.

Facebook Comments