Manila, Philippines – Dinepensahan ng Malacañang ang Proclamation no. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng inihaing motion for partial consideration ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV sa Makati City RTC Branch 148 para ipawalang-bisa ang utos ng Pangulo na pagbawi sa kanyang amnestiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – hindi ito maituturing na panghihimasok o pangingialam sa kapangyarihan ng ibang independent branch ng gobyerno.
Bahagi aniya ito ng executive power ng Pangulo na mandato rin ng konstitusyon sa kanya na tiyaking naipatutupad ang lahat ng batas at napaparusahan ang sinumang lumalabag dito.
Dagdag pa ni Panelo – pinanghahawakan ng Malacañang ang naging desisyon ng korte na pumapabor sa legalidad ng proklamasyon.