IPINAHIHINTO | Field testing ng golden rice sa bansa ipinatitigil ng ibat-ibang grupo

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang ibat-ibang grupo sa pagpapahinto sa field testing ng golden rice sa bansa.

Sa halip dapat isulong na lang ang tunay na repormang agraryo at ang pagpapaunlad ng industriya ng bigas.

Ayon kay Cris Panerio, national coordinator ng grupong MASIPAG, Base sa kanilang pag aaral, napatunayan na ang golden rice ay hindi talaga nakakadagdag sa tinatawag na kakulangan ng Vitamin A sa mga kabataan sa halip gusto lang pagkakakitaan ito ng mga malalaking foreign agro-corporations.


Ang golden rice aniya ay genetically engineered na may beta-carotene, isang pre-cursor sa Vitamin A, para labanan ang Vitamin A deficiency.

Pero, kahit ang US Food and Drug Administration ay nagsabi na ang antas ng beta-carotene sa golden rice ay masyadong mababa at di kayang tugunan ang malnutrisyon at Vitamin A deficiency.

Pinangangambahan nila na baka lalo pang makakaapekto ito sa kalusugan ng tao.

Ang Philippine Rice at ang International Rice Research Institute ang tumututok sa mga proseso para sa field testing ng golden rice sa Nueva Ecija at Isabela.

Kabilang sa komukontra sa field testing ang RESIST Agrochem TNCs Network o RESIST, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Masipag at Agham.

Facebook Comments