Manila, Philippines – Ipinahihinto na ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagtalakayng gobyerno sa Charter- change.
Ito ay kaugnay pa rin sa Pulse Asia Survey kung saan 67% ng mga Pilipino ang tutol sa pag-amyenda sa Konstitusyon, 18% ang sang-ayon sa chacha habang 14% ang hindi alam o hindi makapagdesisyon sa Federalismo.
Giit ni Zarate, napakalinaw aniya ng mensahe ng survey kaya makabubuting itigil na ito ng pamahalaan o piliing harapin ang galit ng taumbayan.
Asahan din aniya ang paglaki pa ng bilang ng mga Pilipinong hahadlang sa chacha dahil sa mga nakapaloob na anti-people policies at self-serving interest na ang nakikinabang lamang ay mga elitista ng lipunan.
Dagdag pa ni Zarate, maging ang draft na isinumite ng Consultative Committee ay nagtataglay ng mga probisyon na “no-election”, ‘term-extension’ ng mga pulitiko at lalong pagbubukas ng ekonomiya sa ‘foreign-control’.
Naniniwala naman si Gabriela Rep. Emmi de Jesus na wala talagang panawagan sa publiko na ituloy ang chacha at ito ay pawang self-serving na hakbang ng Duterte administration.