IPINAHINTO | OFW ID, ipinatigil na ng DOLE

Manila, Philippines – Inakusahan ni ACTS-OFW Party-List Aniceto Bertiz III ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pinagkakakitaan ang OFW ID.

Ayon kay Bertiz, naniningil ng P720 ang DOLE para makakuha ng OFW ID o IDOLE.

Maliban rito, inakusahan din ni Bertiz ang ilang opisyal ng DOLE, kabilang na sina Secretary Silvestre Bello III at Assistant Secretary Kris Ablan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na nagpapakalat mano ng kasinungalingan laban sa kaniya.


Giit naman ni Bello, ipinatigil na niya ang naturang proyektong ID na para sa mga OFW matapos niyang malaman na may mga tao sa loob at labas ng DOLE na nais umanong kumita sa proyekto.

Facebook Comments