IPINAHINTO | Saudi Arabia, ipinatigil ang bagong trade at investment nito sa Canada

115

Saudi Arabia – Ipinahinto ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang bagong trade at investment nito sa Canada kasabay ng pagsibak sa Canadian ambassador.

Ito ay hakbang ng KSA bilang paghihiganti matapos silang pilitin ng Canada na palayain ang mga inarestong civil society activist.

Ipina-recall din ng Riyadh ang kanilang ambassador mula sa Canada at binigyan naman ang Canadian ambassador ng 24-oras para makaalis sa kanilang bansa.

Nangangamba naman ang Canadian Foreign Ministry sa desisyon ng Saudi Arabia pero nanindigan silang poprotektahan ang human rights kabilang ang karapatan ng mga kababaihan at freedom of expression.

Facebook Comments