Manila, Philippines – Iprinisinta na ni Senador Joel Villanueva sa plenaryo ang Security of Tenure Bill.
Ayon kay Villanueva, chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, ang Senate Bill 1826 o Security of Tenure and End of Endo Act ay magbibigay sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa mga employer ng malinaw at detalyadong labor policies.
Aniya, ang panukalang batas ay ‘pro-labor’, ‘pro-business’, at ‘pro-Filipino’.
Sa ilalim ng panukala, pinapayagan nito ang independent, licensed at specialized job contracting.
Sinimplehan din ang klasipikasyon ng mga manggagawa habang hinigpitan ang mga patakaran tungkol sa probationary employees.
Ipinagbabawal din ng panukala ang labor-only contracting.
Facebook Comments