IPINALALABAS | Detalye ng kontrata na pinasok ni SolGen Calida sa kanyang security agency, ipinasasapubliko ng isang kongresista

Manila ,Philippines – Ipinasasapubliko ni AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin ang detalye ng pagmamay-ari ni Solicitor General Jose Calida sa Vigilant Investigative and Security Agency Inc.

Maliban sa detalye ng ownership ni Calida sa security agency, ipinasisiwalat din ng SolGen ang kontrata na ipinasok nito sa iba`t ibang tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Garbin, kailangan na gawin ito ni Calida bilang pangunahing abogado ng pamahalaan.


Aniya, dapat na malinis si Calida sa pagharap sa korte at sa pagiging kinatawan ng gobyerno upang maging patas sa publiko at sa tanggapan ng OSG.

Dagdag naman ni ABS Rep. Eugene Michael De Vera, pwede namang sibakin ni Pangulong Duterte si Calida dahil ito ay appointee naman ng Presidente.

Pinagha-hands off din ng mambabatas ang DOJ sa pag-iimbestiga kay Calida dahil hindi naman umano ito sakop ng hurisdiksyon ng ahensya.

Facebook Comments