Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na naging mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng lean season dahil sa mga nagdaan bagyo.
Sasapat pa naman ang supply ng bigas sa susunod na 37-araw at inaasahang makakatulong din ang pag-aani ng mga magsasaka.
Kumpiyansa ang BSP na makakatulong ang importation ng bigas sa pagpapababa ng presyo nito sa merkado.
Una nang inihayag ng BSP na may mga naitala nang mas mataas pang inflation sa mga nakalipas na taon at umaasa ang pamahalaan na bababa na ang inflation rate sa 4th quarter.
Gayunman, nilinaw ng BSP na hindi ibig sabihin nito na bababa din ang presyo ng mga bilihin at serbisyo bago matapos ang taon.
Naniniwala ang BSP na malaki ang magiging tulong ng isinusulong na rice tariffication bill para mapababa pa ang presyo ng bilihin at serbisyo sa susunod na taon.