IPINAMAHAGI NA | PRRD, pinangunahan ang land distribution sa mga katutubong benepisyaryo sa Boracay

Pormal nang ipinamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang titulo ng lupa sa mga katutubong nakatira sa Boracay.

Aabot sa 515 agrarian reform beneficiaries ang nabigyan ng land ownership certificates mula sa 274.58 hectares na pagmamay-ari ng gobyerno sa Boracay at dalawang bayan sa Aklan.

Partikular na nai-turn over ng gobyerno ang nasa 2.26 hectares sa 44 beneficiaries ng Ati tribe sa Barangay Manoc-Manoc sa Malay, Aklan.


Ang mga natitirang benepisyaryo ay galing sa Barangay Kabulihan, Malay, Barangay Nazareth, Buruanga at Barangay Tagas, Tangalan.

Ayon kay Pangulong Duterte – ang mga benepisyaryo ay maaring ibenta ang kanilang mga lupa sa mga commercial developers kapag lumagpas na ang 10-taon.

Nagbabala rin ang Pangulo – na kaya niya muling ipasara ang Boracay kapag naging ‘cesspool’ ulit ito.

Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), hindi maaring ibenta ng agrarian reform beneficiary ang lupa nito sa loob ng 10 taon matapos itong igawad sa kanila.


Facebook Comments