IPINANAWAGAN | Delgra, muling pinagbibitiw sa puwesto

Manila, Philippines – Muling ipinanawagan ng mga transport group ang pagbibitiw sa puwesto ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Ayon kay Ka Obet Martin ng Pasang Masda, pinagmukha umanong tanga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga transport group sa paglalabas ng bawas pisong pamasahe sa jeepney.

Ito ay bunsod ng hindi natuloy na nakatakda sanang pagdinig kaninang umaga sa 8 pesos fare rollback petition na inihain ng grupo ni RJ Javellana JR ng United Filipino Consumers and Commuters o UFCC.


Ipinagpaliban ng LTFRB Board ang pagdinig dahil sa ipinatawag ng Senate Committee on Public Transportation ang matataas na opisyales ng regulatory agency para sa isang hiwalay na hearing.

Sabi ni Ka Obet, wala namang problema kung babawasan nila ng piso ang kasalukuyang sampung pisong pamasahe pero bakit hindi ito idinaan ng LTFRB Board sa isang public hearing.

Facebook Comments