Manila, Philippines – Nananawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa mga mambabatas na isulong ang paghihiwalay ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Food and Drug Administration (FDA) bilang mga sangay ng Department of Health (DOH). Ito ay bunsod pa rin ng mga issue kinahaharap ngayon ng Dengvaxia vaccine.
Ang mungkahing ito ni Secretary Duque, ay dahil naging mabilis aniya ang proseso ng pagpapatupad ng pamamahagi ng Dengvaxia vaccine, kung saan noong taong 2015, agad na nag-issue ng Certificate of Food Registration ang FDA para sa Dengvaxia kahit hindi pa tapos ang isinasagawang clinical test ng Research Institute for Tropical Medicine.
Iminumungkahi rin ng kalihim na bumalangkas ang batas upang mailayo ng RITM sa impluwensyahan ng mga kumpaniyang pinag aaralan nila ang mga produkto.
Matatandaang una na ring inihayag ng kalihim, na kung siya ang masusunod, nais nito na ihiwalay ang FDA sa Department of Health.