IPINANAWAGAN | Ilang civil society orgs, may apela para sa BBL

Manila, Philippines – Ipinanawagan ng mga civil society organizations na nagsusulong sa Bangsamoro na irespeto at sundin ng bicameral conference committee ang mga nagdaang kasunduan.

Kabilang sa mga naunang kasunduan na sinang-ayunan noon ng mga taga Mindanao at ng iba’t ibang grupo ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.

Giit ni Shallom Allian, isa sa mga kinatawan ng civil society organization na nagsusulong sa Bangsamoro, i-retain at sundin ng bicam ang mga naging kasunduan noon.


Kabilang sa mga probisyon na nais ipapanatili ay ang right to self determination, periodic plebiscite, at ang pananatili sa Bangsamoro ng pamamahala sa kalupaan at katubigan na sakop ng rehiyon.

Partikular na inilalaban din ng grupo ang Lake Lanao kung saan ito anila ay dapat manatili sa pangangalaga ng Bangsamoro at tinututulan ng grupo ang co-management sa pagitan ng gobyerno.

Apela ng grupo sa Pangulo, ito ang solusyon at dapat na ibigay na karapatan sa mga taga Bangsamoro para sa inaasam na pangmatagalang kapayapaan.

Facebook Comments