Manila, Philippines – Excited na ang mga sundalong nakipagbakbakan sa Marawi City na makauwi.
Ito ay dahil sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkatapos ng gulo sa lungsod ay pagbabakasyunin niya ang mga ito sa Hong Kong kasama ang kanilang mga pamilya.
Ikinatuwa naman ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla ang pahayag ng Pangulo dahil kahit papaano aniya ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga sundalo na makapagbakasyon matapos ang matinding pakikipagbakbakan sa mga terorista.
Nagsilbi aniyang motivation ng mga sundalo ang pangakong bakasyon ni Pangulong Duterte kaya gusto nang matapos ng mga sundalo ang bakbakan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.
Pero sa ngayon aniya ay wala pang malinaw na plano kung paano maisasakatuparan ang pangako ng pangulo na baksyon sa Hong Kong ang mga sundalong nakipagbakbakan sa mga terorista.
Ipinangako ni Pangulong Duterte na bakasyon sa Hong Kong ng mga nakipagbakbakan sa Marawi City, inaabangan na ng mga sundalo
Facebook Comments