IPINAPAPATUPAD NA | ALU-TUCP, iginiit na ipagkaloob na ang P500 subsidy, at dagdag na sahod sa harap ng tumataas na inflation rate

Manila, Philippines – Iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines na ipatupad na ang 500 peso monthly cash subsidy ng gobyerno sa apat na milyong minimum wage earners na may SSS coverage kasunod ng pagsirit sa 6.7% ng Inflation rate sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, panahon na rin para pagtibayin ng mga regional wage board ang isang nakabubuhay na wage adjustment

Kabayaran na rin ito sa nga naging kontribusyon ng mga manggagawa sa matagal na panahon ng pag aantay na maramdaman nila ang ipinangangalandakang lumalakas na ekonomiya ng bansa.


Sinabi pa ni Tanjusay na sumipa ng husto ang inflation rate dahil bigo ang mga Economic Managers na maglapat ng tunay na plano.

Kung nangyari sana ito ay naibsan kahit papaano ang epekto sa kabuhayan ng maliliit na mamamayan sa sobrang mataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

Nangangamba si Tanjusay na magtatagal pa at titindi ang kahirapan dahil sa kawalan ng kongkretong estratehiya ng mga economic manager.

Facebook Comments