Ipinapatupad na revised Anti Distracted Driving Act, epektibo ayon sa LTO

Manila, Philippines -Epektibo para sa Land Transportation Office (LTO) ang kanilang kampanya dahil sa mababang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa republic act 10913 o revised Anti Distracted Driving Act.

Sa interview ng RMN kay LTO Deputy for Operation Law Enforcement Service Ret. Col. Rolando Abelardo, malaking tulong sa kampanya ang ginawang information dissimination gayundin ang kooperasyon at disiplina ng mga motorista.

Dahil dito, naniniwala din ang opisyal na maaring mabawasan o bumaba ang bilang ng disgrasya sa lansangan na kadalasang sanhi ng aksidente ay dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.


Simula nang ipatupad ang adda nitong Hulyo a-sais, aabot lamang sa pito ang nahuli ng LTO — habang sa panig ng mmda mahigit dalawang daan ang nahuli sa non-contact apprehension.

Ngayong araw, ipapadala na nang mmda ang kanilang summons o ticket citations sa mga motoristang nahuli.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments