Dissolution of marriage, tutulan ng isang kongresista sa Kamara

Manila, Philippines – Nagbanta si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na haharangin ang panukalang isusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na “dissolution of marriage”.

Kumpara sa annulment, mas mapapadali ang paghihiwalay ng mga mag-asawa sa ilalim ng dissolution of marriage dahil kailangan lamang ang pag-sangayon ng dalawang panig para mapawalang bisa ang kasal.

Giit ni Atienza, 100% ay handa niyang harangin ang ” dissolution of marriage” para lamang maprotektahan ang kasagraduhan ng pamilya.


Naniniwala si Atienza na makakasira ito lalo sa pamilya at mababalewala ang kahalagahan ng kasal.

Nakiusap din si Atienza na maghinay-hinay si Alvarez at pagisipan muna ang isusulong na panukala.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments