Manila, Philippines – Trust and confidence at integridad.
Ito umano ang naging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Senador Gringo Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology.
Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – kumpiyansa si Pangulong Duterte na kwalipikado si Honasan para sa nasabing pwesto.
Gayunman, desisyon pa rin ng Commission on Appointments (CA) kung kukumpirmahin ang nominasyon ni Honasan.
Sa ilalim ng republic act 10844 na lumikha sa dict, ang itatalagang kalihin ay dapat na may pitong taong competence at expertise sa mga larangan ng information and communications technology, information technology service management, information security management, cyber security, data privacy, e-commerce o human capital development.