Manila, Philippines – Ipinasisibak ni House Minority Leader Danilo Suarez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga economic managers ng bansa.
Ang rekumendasyon ni Suarez ay kasunod ng pagpalo ng inflation rate sa 6.4% nitong buwan ng Agosto.
Partikular na tinukoy ni Suarez na sipain na sa pwesto ang mga prime movers ng economic team na sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at NEDA Director General Ernesto Pernia.
Nababahala si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa malalang epekto ng masyadong mataas na inflation rate.
Dapat aniya, ang ganitong lagay ng ekonomiya ay sinusundan ng umento sa sahod ng mga manggagawa.
Sa kabilang banda, duda si Garbin kung kakayanin ng ekonomiya na magbigay ng dagdag na sahod dahil humihina ang pasok ng foreign direct investments sa bansa.