Treasure Hunter, Huli sa Pangmomolestiya sa Isang Menor de Edad, Suspek- nasamsaman ng Marijuana!

16

*San Isidro, Isabela-* Natimbog ang isang treasure hunter matapos molestiyahin ang isang grade 5 pupil sa brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Reynold Pascual De Guzman, kwarentay nuebe anyos, isang treasure hunter at residente ng brgy. Naggasican, Santiago City, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP San Isidro, hinaplos umano ng suspek ng maraming beses ang hita ng natutulog na biktima matapos nitong pasukin ang bahay ng biktima at nagawa naman umanong humiyaw ng biktima na dahilan nang paglabas ng suspek.

Humingi naman ng tulong ang kapatid ng suspek kay brgy. Kagawad Alberto Segocio kayat naisumbong agad sa himpilan ng pulisya na dahilan ng pagkakadakip ng suspek.

Samantala, Habang isinasailalim sa body search si Reynold Pascual De Guzman ay narekober mula sa kanyang bulsa ang isang plastic heat sealed na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana.

Hawak na ng kapulisan ang suspek na mahaharap sa kanyang kasong Paglabag sa RA 7610 at RA 9165.

Facebook Comments