Manila, Philippines – Pinasisiyasat ng House Committee on Energy ang bill deposit program ng Meralco.
Sa House Resolution 1899, ipinasisilip ng MAKABAYAN Bloc kung ano ang batayan ng Meralco sa pangongolekta ng bill deposit
Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, ginagawang bala ng Meralco ang EPIRA Law sa pamamagitan ng maling interpretasyon sa batas.
Giit ni Zarate, walang rason ang pagsingil ng bill deposit ng Meralco lalo at hindi naman matatakasan ng consumer ang pagputol ng supply ng kuryente sa mga hindi makakapagbayad.
Sinabi nito na panggugulang ang ginagawa ng Meralco sa mga consumers na dapat na mapahinto.
Hiniling ni Zarate sa Energy Regulatory Commission na ipahinto ang paniningil sa bill deposit at ipa-refund ang naunang nasingil na bill deposit na aabot sa 3 bilyong piso.