SWS SURVEY | Resulta ng pinakahuling survey ng SWS, ikinatuwa ng Palasyo

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling resulta ng SWS Survey kung saan lumalabas na nananatiling positibo ang mas maraming Pilipino na gaganda ang kanilang personal na buhay sa susunod na 12 buwan.

Bagamat mas mababa ang +40 rating ngayong 1st quarter ng 2018, kung ikukumpara sa +46 noong Decemeber 2017, nananatili namang ‘excellent’ ang standing nito.

Sa kaparehong survey, nasa 42 % ng mga Pilipino o katumbas ng +31 na net optimism, ang naniniwala na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa 2019.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, patunay lamang ito na nananatiling tiwala ang mga Pilipino sa Administrasyong Duterte.

Facebook Comments