Manila, Philippines – Dahil sa command responsibility, nahaharap ngayon sa apat na buwang suspension si Supt. Marvin Marcos.
Ito ay kaugnay sa pagpatay sa loob ng sub provincial jail ng Baybay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at bilanggong si Raul Yap.
Paliwanag ni PNP Internal affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na hindi bahagi ng operating team si Marcos pero sya ang head noon ng CIDG region 8 kaya pumunta sya sa Baybay City jail para i-supervise ang operation.
“Si Marcos hindi part ng operating team, pero sya ang head ng CIDG region 8, However according to Marcos nagpunta sya sa lugar para i-supervise ang operation” text message ni Alfegar sa DZXL RMN Manila.
Pero dahil pumalpak ang trabaho nang kanyang mga tauhan sa ilalim ng batas ng PNP IAS may pananagutan sya at ito ay ang command responsibility.
“Dahil pumalpak ang trabaho ng mga tauhan nya under the rules may pananagutan sya bilang supervisor (command responsbility) yon lang ang ebidensyang nakalap namin at naging kasalanan ni Marcos sa kaso” text message ni Atty. Alfegar sa DZXL RMN Manila.
Dahil sa mga paglabag na ito pinatawan nila ng suspension hanggang anim na buwan si Marcos.
Pero ayon kay Triambulo dahil may patakaran silang sinusunod ay ikinonsidera nila ang tinatawag na mitigating at aggravating circumstance.
Kaya naman ang penalty na 6 months suspension ay maaring mahati sa tatlo, minimum, medium at maximum.
Paliwanag ng abogado kung may aggravating at walang mitigating otomatiko maximum penalty at kapag may mitigating sa kaso at walang aggravating ito ay minimum penalty.
“In short may kapabayaan si Marcos, ang penalty po sa kanyang kasalanan ay suspension up to 6 months, pero may rules din tayong sinusunod in fixing proper , kasi iko-consider din natin ang tinatawag na mitigating at aggravating circumstance” text message ni Atty. Alfegar sa DZXL RMN Manila.
Sa kaso aniya ni Marcos walang aggravating na ibinigay ang prosecution kaya minimum period lang ang ipinataw kay Marcos ranging 1 hanggang 2 buwang suspension.
Pero ginawa raw nilang 4 months at naglagay ng kung ano anong basehan kaya posibleng ito raw ang dahilan kung bakit may motion for reconsideration na inihain si Marcos.
Sinabi pa ni Atty Triambulo na mataas pa nga raw ang apat na buwang suspension na ipinataw kay marcos kung susundin ang rules at procedure ng police administrative cases ng PNP IAS.
“Kung tutuusin mataas pa nga ang yun if you follow the rules of procedure which is govern in the disposition of police administrative cases kaya siguro if totoo yan balita na may MR si Marcos” text message ni Atty. Alfegar sa DZXL RMN Manila.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558