Ipinatawag ng South Korea government ang opisyal ng Chinese Embassy matapos mamataang lumipad ang military aircraft nito sa air defense territory ng bansa.
Ayon sa South Korea Defense Ministry, ito na ang pangatlong beses na nangyari ang insidente ngayong taon kung saan ang una ay noong Pebrero at pangalawa ay noong Abril.
Pinilit din habulin at pgililan ng mga fighter jet ng South Korea ang Chinese plane na pumasok sa Korean Ari Defense Identification Zone (ADIZ) pero mabilis din itong nakalayo.
Dahil dito, inatasan ng defense ministry ng South Korea ang Defense Attache ng Chinese Embassy sa Seoul na si Du Nong Yi na pagsabihan ang kanilang pwersa na huwag nang maulit pa ang insidente.
Facebook Comments