Muling mapapakinabangan ng mga kabataang Dagupeños ang nakatayong Teen Center sa bahagi ng Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City.
Sa kasalukuyan, unti-unti nang pinapabuti ang naturang pasilidad sa pamamagitan ng pagkumpleto sa kabuuang konstruksyon nito tulad ng pagpipintura, at paglalagay ng mga kagamitan para sa mga kabataan.
Inaasahang magiging Daan ang naturang center para sa mga kaganapan o pagtitipon ng mga kabataan, at bukas din ito na maging isang training space tulad na lamang ng mga mananayaw.
Nakatakdang itayo sa loob nito ang isang consultation room na ito namang tutugon at magbibigay tulong pagdating sa health issues ng mga kabataan.
Bahagi ang programa sa adhikain ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay suporta sa mga kabataang Dagupeños.
Samantala, ilan pang mga programa ang inihahanda na rin ng LGU para sa development activities ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨