Hindi kinilala ng Pilipinas ang annual fishing ban na ipinatupad kamakailan ng China sakop ang West Philippine Sea.
Giit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, hindi nito sakop ang mga bangkang pangisda ng mga Pilipino kaya hindi dapat sila nagpoproklama ng fishing ban sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa halip, hinimok ni Esperson at ng National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) ang mga mangingisdang Pinoy na patuloy na mangisda sa West Philippine Sea.
Mayo a-uno nang ipatupad ng China ang fishing moratorium na tatagal hanggang August 16.
Facebook Comments