Ipinatupad na payment scheme ng PhilHealth para mabantayan ang mga anomalya sa ahensiya, hindi naging epektibo ayon sa COA

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na hindi naging epektibo ang ipinatupad na payment scheme ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para mabantayan kung may anomalya sa pagbabayad ng ahensiya sa mga healthcare institutions.

Sa isang pahayag, sinabi ng COA na bagama’t napabilis ang proseso ng reimbursement sa pamamagitan ng all case rate payment scheme, kulang pa rin ito ng mekanismo para matukoy o maiwasan ang mga anomalya.

Nabatid na sa ilalim ng all case rate payment scheme, may nakatakda nang fixed rate sa bawat kaso.


Sa ngayon, kinikilala na ng PhilHealth ang rekomendasyon ng COA at tiniyak na lalo pang pagbubutihin ang mga pakete nito para makatugon sa mga pangangailangan ng pasyente.

Facebook Comments