Ipinatutupad na COVID-19 measures sa bansa, may patnubay ng agham – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na ang mga ipinatutupad na polisiya sa bansa laban sa COVID-19 ay may patnubay at alinsunod sa agham o science.

Ito ang pahayag ng DOH matapos lumabas sa survey ng ASEAN Studies Centre na 53.7% ng mga Pilipino respondents ang hindi sang-ayon sa ginagawang pandemic response ng pamahalaan.

Ayon sa DOH, ang mga polisiya, patakaran at hakbangin ng DOH ay palaging naaayon sa siyensiya sa pamamagitan ng mga eksperto, kabilang ang Technical Advisory Group, National Immunization Technical Advisory Group, Health Technology Assessment Council at marami pang grupong binubuo ng mga eksperto mula sa iba’t ibang larangan.


Kinikilala ng DOH ang mga sentimiyento at resulta ng survey at pinapahalagahan ang boses ng bawat Pilipino.

Pagtitiyak ng DOH na patuloy nilang pinagbubuti ang health system at pagreponde sa pangangailangang pangkalusugan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments