Pilipinas, walang dahilan para putulin ang ugnayan nito sa EU – Palasyo

16

Walang nakikitang dahilan ang pamahalaan para putulin ang relasyon nito sa European Union (EU) sa kabila ng mga tirada noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinusulong lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national interest at interes ng bawat Pilipino.


Dagdag pa ni Roque, may benepisyong nakukuha ang Pilipinas sa pakikipagkaibigan nito sa EU.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa EU para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

Nais din ng Pangulo na pagtibayin ang relasyon nito sa EU pero binigyang diin ang paggalang sa karapatan ng lahat.

Facebook Comments