Umabot sa kabuuang 3,631 ang naitalang gun ban violators ng Philippine National Police (PNP) sa buong panahong ipinatupad ang gun ban sa buong bansa dahil sa isinagawang national at local elections.
Sa nasabing bilang, 3,493 ang sibilyan, 61 ang security guards, 28 ang miyembro ng PNP, 22 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines at 27 ang iba pang violators.
Pinakamarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region na nasa 1,322.
Nakumpiska sa mga ito ang 2,795 na firearms; 1,300 na deadly weapons, kabilang ang 140 na pampasabog; at mahigit 17,000 na mga bala.
Mula naman January 9 hanggang kahapon, umabot na sa 3,416 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang gun ban ay nagsimula noong January 9, 2022 at nagtapos kahapon June 8.