IPINAUBAYA | Malacañang, Naniniwalang magiging patas si Cayetano sa kanyang imbestigasyon sa issue ng rescue operations sa kuwait

Manila, Philippines – Ipinaubaya ng Palasyo ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang pagiimbestiga at pagbibigay ng parusa sa mga tauhan at opisyal nito na sangkot sa paglalabas ng video ng rescue operations na ginawa ng embassy official’s ng Pilipinas sa Kuwait na ikinagalit nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ang bahala dito dahil ito naman ang namamahala sa DFA.

Naniniwala naman si Roque na magiging patas si Cayetano kanyang imbestigasyon at sa anomang parusa na ipapataw sa mga mapatutunayang nagkasala.


Paliwanag ni Roque, isa ding abogado si Cayetano kaya alam nito kung ano ang kanyang dapat na gawin sa sitwasyon.

Kaya naman sinabi ni Roque na hindi na siya magkokomento sa issue dahil nasa hurisdiksyon naman ito ni Cayetano.

Facebook Comments