IPINAUBAYA | Malakanyang, ipinasa sa COA ang isyu ng pagbitbit ni Tourism Secretary Wanda Teo ng sandamakmak na alalay sa mga biyahe nito abroad

Manila, Philippines – Commission on Audit (COA) na ang bahala sa pag-iimbestiga sa sinasabing dami ng bitbit na tauhan ni Tourism Secretary Wanda Teo sa mga biyahe nito sa labas ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, siguradong maiintindihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biyahe ni Teo sa labas ng bansa dahil kaakibat ito ng trabaho ni Teo bilang Tourism Secretary.

Paliwanag ni Roque, kailangang ibenta ni Teo ang Pilipinas para madagdagan ang mga turista na bumibisita sa Pilipinas.


Nilinaw din naman ni Roque na ang pagdadala nito ng mga make-up artist utility personnel at iba pang assistant ay mayroong sinusunod na guidelines at applicable ito sa lahat ng opisyal ng Pamahalaan kabilang si Teo.

Lalabas naman aniya ito sa ulat ng COA at malalaman naman kung nasunod o hindi ni Teo ang panuntunan ng COA.

<#m_5472301478895701776_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments