Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senate President Koko Pimentel sa Philippine National Police o PNP ang pagwasak sa mga nakukumpiskang baril katulad ng ginagawang pagwasak sa mga nasasabat na smuggled na mga mamahaling mga sasakyan.
Itinuturing ni Pimentel na insulto sa pnp ang tumitinding kaso ng pagpatay sa bansa kung saan ang pinakahuli mga biktima ay mga Alkalde at Bise Alkalde.
Diin ni Pimentel, dapat may matinding aksyon na gawin ang PNP tulad ng pagsira sa mga hindi lisensyadong baril para matiyak na hindi ito mapi-preserve at magagamit muli sa mga krimen o iligal na gawain.
Kaugnay nito, ay suhestyon din ni pimentel na higpitan ang regulasyon para naman sa mga baril na may lisenya.
Ayon kay Pimentel, dapat maresolba ng mga otoridad ang mga kaso ng pagpatay sa bansa bilang patunay na hindi mali ang mga piniling mamuno sa pambansang pulisya.