Ipis agaw-pansin sa talumpati ni Duterte

942
Screenshot via RTVM

Naging viral sa social media ang talumpati kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nang-agaw ng eksena ang isang ipis.

Habang pinupuri ni Duterte ang kanyang mga kandidato sa isang campaign rally na ginanap sa Bohol, dumapo sa kanya ang nasabing insekto. Sinubukan bugawin ng kanyang tauhan ang ipis ngunit gumapang ito papunta sa harapan ng polo shirt na suot ng Presidente.


Pero hindi nasindak ang Pangulo sa ipis. Nung mapansin niya ito, siya nalang mismo ang nagtanggal gamit ang kamay. Tuloy pa rin ang kanyang pagsasabi ng mensahe na tumagal ng dalawang oras.

 

 

Facebook Comments