Ipit gang, bistado matapos umatake sa Quezon City

Quezon City – Timbog ang 2 miyembro ng Ipit Gang ito ay matapos biktimahin ang isang babaeng pasahero ng bus sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang mga na suspek na sina Jhon Mark Rafael at Aljun Maliis.

Ayon sa biktima na si Javanagee Arciaga, pababa na siya ng bus nang biglang mawala ang tugtog sa kanyang earphones na konektado sa cellphone.


Sinabi ni Teresita Solano na Desk Officer ng Barangay Old Balara, modus ng mga suspek na ipitin, harangin, at siksikin ang kanilang target hanggang sa makuha ang gamit ng biktima.

Lumalabas na tinulungan pa siya ng isa sa mga kasabwat na hanapin ang cellphone at habulin ang mandurokot pero ito ay diskarte lang pala para makatakas ang kasamahan.

Gayunman naharang si Rafael ng mga concern na motorista tsaka dinala sa barangay.

Nabuko naman ang kasabwat matapos silang mag kita ng Misis sa barangay bitbit ang cellphone para maareglo ang kaso ni Rafael.

Nakakulong na sa presinto ang mga suspek at namahaharap sa Robbery Snatching.

Facebook Comments