POLICE REPORT | 45 taong gulang na lalaki, inaresto sa kasong frustrated murder!

Arestado ang 45 anyos na lalaking tubong Barangay Bonuan Boquig, Dagupan City sa kasong frustrated murder bandang alas otso trenta ng kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Dagupan City PNP, inaresto ang construction worker na nagngangalang Carlos Maramba, sa Sta. Maria Street Brgy. Bonuan Boquig sa parehong siyudad na pinangunahan ni SPO4 Eduardo Dispo sa ilalim ng superbisyon ni PSUPT. Jandale Sulit sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni RTC-1 judge Genoveva Conching-Maramba, dahil sa kasong frustrated murder na inireport noong nakaraang buwan.

Matapos maaresto at binasahan ng sakdal, pinatawan si Maramba ng kaukulang parusa at dinala sa Region 1 Medical Center upang sumailalim sa medical examination. Samantala, sa ngayon ay nakakulong na umano si Maramba at naghihintay na lamang ng commitment order mula sa korte upang mailipat na ito sa BJMP-Dagupan para sa maayos na disposisyon.


Ulat ni Kareen Grace Perdonio

Facebook Comments