Ipit Gang sa Makati City, timbog ng mga otoridad

34

Arestado ang mga miyembro ng Ipit Gang na nambibiktima sa Makati City matapos makatanggap ng reklamo ang makati pulis laban sa grupo.

Nakilala ang mga suspek na sina Jenneva Gonzales Almazora, 39 years old; residente ng Biñan Lagunsad; Ruth Cruz, 22 years old, tiga-Biñan Lagunsad; at Eduardo Sitong Cerdeña, 25 years old, tiga-Tondo Manila.


Batay sa report ng Makati City Police, huli sa aktong ninanakawang ng isang suspek ang kanilang biktima sa may kahabaan ng Buendia Avenue, Barangay San Isidro, Makati City, pasada alas-6:45 kahapon ng gabi.

Narekober naman ng mga pulis ang cellphone ng biktima doon naman sa iba pang kasabwat ng suspek.

Nais naman mag sampa ng kaso ang biktima na si Sheena Marie Cebu Hernandez, 23 years old na taga-Pasay City, laban sa mga suspek.

Facebook Comments