DepEd, tinawag na malisyoso ang artikolo ng Inquirer kaugany sa PHIL-IRI result sa Bicol

70

Tinawag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na mapanlinlang at malisyoso ang lumabas na balita sa isang newspaper na 70,000 na mga magaaral sa Bicol region ay hindi marunong magbasa sa English at Filipino.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi tama na ibalita ang isang impormasyon na hindi man lang beripikado.


Ang inilabas na ulat ng Inquirer, aniya, ay hindi para sa pangkalahatan kundi ito ay para sa isang guro lamang upang malaman kung anong pamamaraan ang gagawin nito para tulungan ang bata na matuto sa pagbabasa.

Hindi naman daw niya ikinakaila na may mga pagkukulang ang education system sa bansa.

Kaya, aniya, ay gumamagawa sila ng mga paraan at mga programa upang masulosyunan ito.

Iginiit rin niya na ang Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) ay hindi maaring gamitin na sukatan sa mga hindi at marunong magbasa para sa pangkalahatan.

Facebook Comments