Ipo Dam, nagpakawala ng tubig matapos umabot sa spilling level

53

Umabot sa spilling level ang Ipo Dam dahilan para isagawa ang emergency water discharge nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa DOST-PAGASA, ang water level sa Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan ay umabot sa 101.47 meters.

Ang spilling level ng dam ay nasa 101 meters.

Dahil sa patuloy na pag-uulan, nagpakawala ng tubig ang dam ng nasa 70 cubic meters per second.

Inaabisuhan ang mga residenteng malapit sa mabababang lugar at malapit sa ilog ng Angat River mula Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na mag-ingat sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.

Facebook Comments