Ipon Tips and Challenges Ngayong 2019

Maging wais para mabili ang iyong nais

Bagong taon taon, bagong ipon. Marami na naman ang nagsusulputang iba’t-ibang paraan o tips upang makaipon ng pera. Paano ng ba natin magagawang makaipon ng pera sa isang buong taon?

Dapat lamang na maging wais tayo sa bawat desisyon sa ating gagawin. Maging praktikal sa lahat ng bagay upang maiwasan ang paggastos ng mahal. Sa bawat bagay, pagkain o damit na iyong bibilhin dapat at mag-set lang ng halaga na gagastusin o ibibili. Gumawa ng listahan upang hindi makalimutan o madagdagan ang iyong mga bibilhin para hindi lumagpas sa itinakdang halaga.


 

Mag-ipon ay ‘di biro, maraming mapanukso.

Ang pag-iipon ay hindi madaling gawin dahil maraming tukso ang susuungin para magtagumpay. Isang taon ang bubunuin para mag-ipon kaya dapat ay marunong tayong mag-budget ng pera upang maiwasan ang bawasan ang iyong naipon.

Sa pagtatapos ng taon ay iyong mabibili ang iyong mga nais at higit sa lahat ay masarap sa pakiramdam na makita ang iyong pinaghirapan.

 

Always say “NO.”

Lahat naman siguro ay pamilyar sa hamon na ito; naging patok ito noong nakaraang taon at hanggang ngayon ay tinatangkilik. Kahit na sino ay maaaring subukan ang hamon na ito upang maka-ipon ng pera at may magamit sa pagtatapos ng taon. Halimbawa na lang bilang estudyante, imbis na bumili sa canteen ay magbaon na lamang upang maiwasan ang paggastos ng malaking pera.

Magbaon lamang ng sapat na halaga at ang iba ay itabi na lamang. Kung ikaw naman ay nagtatrabaho ay iwasang kumain sa mga fast food chain nang madalas upang hindi maubos ang sweldo sa halip ay magbaon na lang din para makaiwas sa malaking gastos. Sa “ALWAYS SAY NO CHALLENGE” pipigilan at pipilitin mong hindian ang mga tukso sa iyong paligid.

 


Article written by Charlize May Quero

Facebook Comments