Patuloy na nagsasagawa ng mga hakbangin ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) para maiwasan ang mga insidente ng pagpapatiwakal sa lalawigan.
Base sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, mayroon ng 29 na kaso ng suicide ang naitala mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.
Ayon sa imbestigasyon sa mga naturang insidente, depresyon ang pangunahing dahilan ng pagpapatiwakal sunod na ang problema sa pamilya.
Samantala, kapansin-pansin ang naging pagtaas ng kaso ng suicide sa lalawigan noong kasagsagan ng COVID-19 kung saan mayroong 40 na kaso ng taong 2020 at 50 na insidente naman ng 2021.
Kaugnay nito, bilang hakbang upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng kaso ng suicide sa lalawigan, patuloy ang isinagawang seminar ng kapulisan ukol sa Mental Health Awareness tuwing una at ikatlong linggo ng bawat buwan.
Facebook Comments