Vic Sotto, inaming hindi nangingialam sa love life ng anak na si Mayor Vico

503
Instagram/ Vico Sotto

Ipinahayag ni Vic Sotto na wala siyang alam sa love life ng anak na si Vico na ngayon ay alkade ng Pasig.

Kaugnay ito sa pahayag noon ni Vico na mas gusto nitong magpahinga kaysa pagkaabalahan ang buhay pag-ibig.


Ani ng kaniyang ama, “Totoo naman. Kahit ako ang nasa lugar non, mas masarap matulog.”

Sinabi rin ng comedian host na ipinagmamalaki niya ang mga nagawa sa unang buwan palang na termino ng kaniyang anak bilang mayor.

“Ako’y natutuwa ‘pag nakakabalita ako ng ganiyan. Siyempre anak ko ‘yun ‘no. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala na may anak akong magaling. So I’m happy for him and very proud,” pahayag niya.

Dagdag ni Vic, sigurado siya na handa ang kaniyang anak sa tungkulin kahit noong tumakbo pa lamang ito.

“Alam ko naman na he will be doing good and I’m confident na he will do better in the future kasi he’s come prepared… and sa nakikita natin ngayon, he’s doing a good job,” aniya.

Si Victor Ma. Regis Sotto ay anak ng aktres na si Coney Reyes at Eat Bulaga host Vic Sotto. Tinagurian siyang ‘millennial mayor’ kung saan tinalo niya ang 30 na taong panunungkulan ni Bobby Eusebio sa lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers