Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malaki ang naging papel ng Iraqi Embassy sa Manila, sa repatriation ng mga Pilipino sa Iraq.
Ayon sa DFA, dahil sa pag-tulong ng embahada ng Iraq sa bansa, napapabilis ang pag-proseso sa pagpapauwi sa mga Pinoy na naiipit sa gulo sa Gitnang Silangan
Kahapon, matagumpay na nakauwi sa bansa ang unang batch ng repatriates na binubuo ng labing-isang adults at dalawang bata.
Ito ay bagamat unang hinarang ng Iraqi immigration officers ang siyam sa kanila dahil sa hinalang iligal ang kanilang visa.
Patuloy pa ngayon ang pag-proseso ng DFA sa pagpapauwi sa iba pang Pinoy sa Iraq at Iran.
Facebook Comments