Pang-anim na nasawi sa sunog sa Tondo, natagpuan na!

85

Natagpuan na ang pang-anim na biktimang nasawi sa sunog na nangyari sa Yuseco Street, Barangay 230 at 222 sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Aquelina Romero Javana, alyas Jacqueline, 44 y/o, na nakita sa banyo ng kanilang bahay, alas-8:54 ng umaga.


Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog ng alas-2:40 ng madaling araw at idineklarang fireout ng alas-7:14 ng umaga kung saan nagsimula ito sa ikalwang palapag ng paupahang bahay na pag-aari ni Encarnacion Lotero.

Unwng narekober ang mag-iinang nasawi na nakilalang sina Yhancy Kieffer Conde (8y/o); Yara Courtney Conde 9y/o; Yhexel George Nicholas Conde 10 y/o nanay nila na si Odessa Conde 36 y/o at pinsan nito na si Jean Paul Esguerra 42y/o.

Sugatan naman ang ama ng mga bata na si George Conde 43 y/o na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Sinasabing sinadya ang insidente dahil ibang hinahanap ng isang mister na si Eduardo Lotero ang kaniyang misis na kaniyang naka-away sa hindi pa malamang dahilan at nang hindi makita. Ay sinunog ang paupahang bahay.

Facebook Comments