Iregularidad sa pangongolekta ng tamang buwis, dahilan kaya hindi maipasa ang tax reform program

Manila, Philippines – Isinisisi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ilang mga iregularidad na nangyayari sa Bureau of Internal Revenue dahilan kaya nahirapan silang maipasa ang tax reform bill at ngayon ay hindi pa makalusot sa Senado.

Giit ni Alvarez, dapat na suklian naman ng BIR ng tamang pagtupad sa tungkulin ang mga paghihirap ng Pangulo para mapunan ang pangangailangan ng taumbayan.

Itinuturo kasi ng ilang sektor na BIR ang responsable sa pangongolekta ng buwis at hindi dapat ipinapapasan sa publiko ang mga dagdag na buwis.


Hindi tinanggap ng mga mambabatas ang paliwanag ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa tax liability ng ilang mga negosyo at kumpanya.

Nauna ng nagbanta noon si Alvarez na iisa-isahin ang mga iregularidad sa BIR na pagpapalusot sa mga kumpanya para hindi magbayad ng tamang buwis.

Kaugnay dito, sa ginawang imbestigasyon naman ng House Committee on Ways and Means ay ayaw tanggapin ni Alvarez ang paliwanag ng BIR Commissioner Cesar Dulay na hindi 30 Billion kundi 8.7 billion lamang ang tax assessment sa na Del Monte Phils. Inc.

Sa kabila ng paliwanag ng BIR, pinuna ng Speaker ang napagkasunduang halaga ng babayarang buwis ng kumpanya na nasa 65 million lamang na napakalayo para sa bilyung-bilyon na dapat sanang massetle na buwis.

Maliban sa DMPI, bubusisiin din ng Kamara ang iba pang negosyo at kumpanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Facebook Comments