Supreme Court, ayaw nang pag-usapan pa ang sinasabing bangayan ng 2 nilang mahistrado

Manila, Philippines – Hindi na dapat pang pag-usapan ang sinasabing awayan ng dalawang babaeng mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Theodore Te ang tagapagsalita ng Supreme Court internal matter na maituturing ang nasabing usapin.

Kamakailan matatandaang umugong ang sinasabing bangayan nina SC Associate Justice Teresita Leonardo de Castro si SC Chief Justice Ma. Lourdes Serreno dahil sa ilan nitong desisyon na hindi umano aprubado ng lahat ng mga mahistrado.


Kabilang sa mga kinukwestyon ni de Castro ay ang pagtatalaga ni Serreno kay Atty. Brenda Jay Mendoza bilang pinuno ng Philippine Mediation Center of the Philippine Judicial Academy (Philja) na wala umanong approval ng iba pang mahistrado.

Maging ang arbitrary decision ng punong mahistrado na nag-aapruba sa pagpapalabas ng court funds bilang travel allowance ng kanyang mga staff na walang pag sang-ayon ang korte.

Iniakyat na ni Justice de Castro sa Kataas Taasang Hukuman ang naturang usapin.

Facebook Comments